Kagabi kasi habang ako ay nag pray nag worry ako para sa defense namin kanina kaya after ko mag pray nag open ako ng Bible tapos tinanong ko muna si God bakit nag worry pa rin ako tapos dinala nya ako sa Isaiah 7 tapos nabasa ko dun na sabi niya na wag na daw akong mag-alala kasi defense lang yan Siya ang bahala sa kalalabasan noon.
Tapos kanina nung gumising ako ang ganda ng mood ko kasi dahil dun sa pinabasa sakin ni God. Hanggang nung kanina, naputol yung maganda kong mood kasi ba naman muntik na mag fail ung defense namin dahil wala pa yung mga ka group mates ko pero buti nalang pinaalala Niya sakin yung nabasa ko sa Salita Nya kagabi kaya ayun bumuti ulit ang mood ko… pero nung dumating yung mga ka groupmates ko hindi ko naiwasan na magalit or mainis sa ginawa nila (kasi parang naging iwanan sa ere yung ginawa sa akin ehh… ako na nga gumawa ng buong thesis tapos hindi pa nagkapailam dun sa thesis namin ngayon) kaya ayun meron hindi pansinan kanina pero bigla may bumulong sa tenga ko na wag mong hayaan na lumaki yung inis mo sa kanila kaya kausapin mo sila kaya ayun kinausap ko sila nag one-on-one kami kaya ayun naging maginhawa ang pakiramdam ko…
Weee ang sarap talaga kapag binabantayan ka ni God sa mga bawat galaw mo :D